Sponsored
Sponsored
Read Menarki: Mga Kuwento
Free Edition
Verified Content

Menarki: Mga Kuwento

4.00 • 5 ratings • 3 reviews
Overview
Bagaman kinikilala niyang produkto siya ng “institusyonalisadong aparato” sa pagsusulat, makikita sa haplit at hagod ng mga salita ni Pariente ang pagiging bukas. Bukas ang kaniyang utak, puso, kamalayan, at diwa, handang makinig sa mga tinig at pumasok sa lawas at lawak ng mga dimensiyong mula sa iba’t ibang daluyan. Sinimulan niya ang mga salaysay sa alay ng regla, sa kaniyang menarki, na ayon sa kaniya’y “dapat hayaan dumaloy gaya ng pagkamalikhain.” Isasama niya tayo sa mga daloy na iyan, mga Lola Ging na kaniyang kukuwentuhan. Magiging saksi tayo sa iskempot sa bus ng bakla, babae, at hasler; sa pinaghalo at pinagbalahong buhay sa Barangay Alitaptap; sa kakaibang misa sa Quiapo; at sa trahedya ng isang room for rent. Dadaan tayo sa madilim na espasyo ng paghingi ng hustisya laban sa isang lalaking mapandahas, sa multong tumatagos sa dingding, at sa iba pang mapagsamantalang anino. Kasabay nito’y ipalalasap niya sa atin ang pait ng isang bote ng beer ng isang buhay na hindi rom-com, habang ihinihingang “hindi lahat ng binabalikan ay nababalikan kung paano ito iniwan.” Tatagos sa atin ang sakit ng breakup sex sa “malabong linya sa pagitan ng libog, lungkot, awa. Awa sa sarili.” Ngunit hindi doon magtatapos ang lahat, dahil sa huli’y isasama niya tayo sa paglalakbay tungo sa isang malaparaisong lunan, kasabay ng lakbay ng pagkilala sa sarili, at ng pagyakap sa pag-asa ng isang bagong pag-ibig. Hindi lingid kay Pariente na sa kabila ng mga natawid at napunang guwang ng maraming babaeng manunulat na nauna sa kaniya, nananatiling nakagapos ang kamalayan ng marami, nananatiling saklot ng male gaze ang katinuan ng ilan. Sa pagbibigay ng mukha sa danas ng kababaihang milenyal sa kasalukuyang mundo, hinaharap niya nang may pagbalikwas ang realidad na iyan, bilang kaniyang menarki, na siya ring menarki natin bilang mambabasa.

— Rosa May M. Bayuga, premyadong kuwentista at nobelista

“Ang koleksiyon ng kuwentong Menarki ay katas din ng mga naunang menarki mula sa mga manunulat na gaya nina Genoveva Edroza-Matute, Rosario de Guzman-Lingat, Fanny Garcia, Lualhati Bautista, Mayette Bayuga. Naratibo ang estratehiya, at naratibo rin ang paraan ng pamumuhay. Lampas pa sa panulat para sa imortalidad, ang mga akdang naririto’y nagpapatotoo, naggigiit, at kasangkot sa panahong sinisikap na magkalandas. Panahong dinaranas, panahong may saysay.”

Mula sa Introduksiyon ni Luna Sicat Cleto, propesor at premyadong manunulat
User Avatar User Avatar User Avatar
36,114 currently reading
User Avatar User Avatar User Avatar
152,889 want to read
Sponsored
Sponsored

Book details & editions

ISBN 240487256
Publisher
Publication date January 2024
Language FIL
Pages 164 pages
Sponsored
Sponsored
About the Author
Abby Pariente

Abby Pariente

Follow
Known for writing in a clear, engaging, and easy-to-follow style. The work feels natural and flows smoothly, making it enjoyable from beginning to end.

Ratings & Reviews

5 ★
58%
4 ★
28%
3 ★
10%
2 ★
3%
1 ★
1%
4.00
BlueReads Choice
Sponsored

Write a Review

Community Reviews

Sort by:
Sponsored
Sponsored
Sponsored Content