Sponsored
Sponsored
Free Edition
Verified Content
Cerco un Centro di Gravità Permanente
Overview
Isang paalala, ilang daang talampakan mula sa pisngi ng lupa: Maglimpiyo—maglinis na parang Olímpico, na parang dito nakasalalay ang sagot sa kalam ng sikmura mo.
Kung bakit nga ba palagian na lang naglalakbay ang diwa tuwing nakikipagbuno sa hanging pilit nanunulak pa-silangan. Pabalik sa mga salita’t pariralang ilang nakalipas nang nabitiwan. Na mangingimi ang emperador ng lula at sultanah ng liyo kapag naalala na niya ito, na bubulong ng paalalang isang repetisyon ang mga salitang ito—pagapang, sumisiksik, parang uod na nangangati nang iluwal ang pares ng mga pakpak matapos ang mahapdi-hapdi ring paghuhunos, hayok nang sundan ang tamis na itinuturo ng himpapawid. Pendulo, nakalambitin ang subhetong walang-laban sa batas ng pisika. Kahibangan, punong-puno ng kabaliwan kapag nasa kaibabawan. May tusong ilusyong siya ang pinakamataas, dahil ang lahat ay ga-langgam lamang at husto’t parang isinukat sa heograpiya ng nang-aangkin na palad. Na maaaring ariin kahit pa pinakamahal na mga sasakyang humaharurot sa nakahilatang karatera nasyonal, na kayang pataubin ang dumudugong higanteng barko sa dagat na parang bughaw na pinturang natapon sa daan, na ang mga abenida’t liwasan ay pansarili niyang palaruan, na isang lasong sumasayaw ang mga konurbasyon at salangsangan ng mga kalsada’t tulay, sa saliw ng musikang likha ng pasipol-sipol na nguso’t dilang hindi pa napapasadahan ng agahan.
Dito sa itaas, maaalala niya, ilang daang talampakan mula sa pisngi ng lupa, may dalawang klase lamang daw ng nilalang: ang isang mas nakikilala’t napapalapit sa Dios; at ang isa’y ang nag-aastang Dios, kahit pandalian lang.
Bintanador, ito ang tawag sa kanilang mga tagalinis ng mga gusaling hindi kailanman mapapasakanila. Mga de-s’weldong obrerong ibinubuwis ang buhay sa pang-araw-araw maitawid lang ang kalam ng sikmura at pangangatal ng laman at ang mga basikong pangangailangan.
Habang ang daigdig ay abala sa mga bantang dala ng paparating na milenyo, isang pamilyar na memento mula sa kabilang panig ng nililinis na bintana: ang pagragasa ng nawaglit na mga alaala, ang pagpapakilala ng nakaligtaang pagkakakilanlan, na siyang maghahatid sa pagdaloy ng klasikong naratibo ng paghahanap sa nawalay na inang kailangang galugarin sa pinakaibuturan ng sentidong nakalimot dahil sa pasakit at kariwaraan, sa timog-lungsod na kinalakihan. Ng pagtalikod sa amang matagalan ding dinambana at ginawang muhon. Ng paghimay sa prinsipyo sa likod ng hulma’t artikulasyon ng mga eskaladong modelo’t estat’wa. Ng pagtingalang muli sa sining na matagal ring pakimkim na sinamba: sa arkitektura, sa estetiko at mga pundasyong nagtitindig sa mga nagtatayugang edipisyong kailangan akyatin, kuskusin, pakintabin. Sa palagiang pagpili sa liwanag sa pirming pang-aamba ng takot, ng lantay na dilim.

36,114 currently reading
152,889 want to read
Sponsored
Sponsored
Book details & editions
| ISBN | 6218417107 |
| Publisher | Balangay Media Productions |
| Publication date | March 2025 |
| Language | FIL |
| Pages | 349 pages |
Sponsored
Sponsored
Ratings & Reviews
5 ★
58%
4 ★
28%
3 ★
10%
2 ★
3%
1 ★
1%
4.19
BlueReads Choice
Sponsored
Write a Review
Community Reviews
Sort by: